Sinampahan na ng kaso ng Office of the Ombudsman ang walong senior officer at tatlong junior, kasama pa ang dalawang tauhan ng Philippine National Police (PNP), matapos ang ilang buwang imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng mga baril na sinasabing ibinenta sa New People’s Army (NPA).
Lumitaw sa imbestigasyon ng Ombudsman na ang iniulat na pagkawala ng 1,004 high-powered AK47 firearm ay sinasabing naibenta na sa NPA.
Sinampahan ng 19 counts ng falsification, 23 counts ng paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), 23 counts ng paglabag sa RA 3019 at paglabag sa RA 5487 (Private Security Agency Law) sina PNP Police Director Gil Meneses, Police Dir. Napoleon Estilles, Chief Supt. Raul Petrasanta, Chief Supt. Tomas Rentoy II, Chief Supt. Regino Catiis, Senior Supt. Eduardo Acierto, Senior Supt. Allan Parreno, Supt. Nelson Bautista, Chief Insp. Ricky Sumalde, Chief Insp. Ricardo Zapata Jr., Chief Insp. Rodrigo Benedicto Sarmiento, SPO1 Eric Tan, at SPO1 Randy de Sesto.
Nahaharap din sa kasong administratibo ang PNP-FEO officials dahil sa grave misconduct at serious dishonesty.
Bukod dito, kinasuhan din ang tatlong sibilyan na may kaugnayan sa pagbebenta umano ng mga baril.
Kasong kri¬minal naman ang isinampa kay Isidro Lozada, mayari ng Caraga Security Agency, at representatives ng gun supplier, na Twin Pines, Inc.