Nobyembre 15, 1889, nang mapatalsik sa puwesto ng military coup ang pangalawa at huling Brazilian emperor na si Pedro II.

Hinirang siyang emperador noong 1841. Naging matatag ang ekonomiya ng Brazil sa limang dekada ng kanyang pamumuno, ngunit pinaghiwa-hiwalay niya ang mga miyembro ng komunidad, kabilang na ang militar at ang urban middle class.

Matapos mapatalsik sa puwesto, nagdesisyon si Pedro II na manirahan sa Europe hanggang sa pumanaw siya noong 1891.

Taong 1822 nang itatag ang monarkiyang Brazil matapos ideklara ng Portugal crown prince na si Dom Pedro ang pagiging malaya ng bansa at binalewala ang kanyang pamumuno. Noong 1831 ay ipinasa ni Emperor Pedro I ang kanyang trono sa limang taong gulang na anak at muling bumalik sa Portugal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naging emperador si Pedro II noong 1841, at pinatunayan ang pagiging mahusay na tagapamuno higit sa kanyang ama na si John IV.