Matapos maglunsad ng malawakang sit-down strike kahapon para igiit ang umento sa sahod, nagbanta ang mga guro sa mga pampublikong paaralan na magsasagawa ng mas maraming kilos-protesta sa mga susunod na buwan kung hindi pakikinggan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang kanilang mga hinaing.

“We are planning more strikes in the coming months. If President Aquino does not consider our demand, then we will be forced to go on mass leave,” sinabi kahapon ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Pinangunahan ng ACT ang sit-down strike na nilahukan ng 155,000 guro, na pawang humihiling na gawing P25,000 ang entry-level salary ng mga guro at P15,000 sa non-teaching personnel.

Nais ng ACT na maisama sa 2015 national budget ang hirit nilang taas-sahod bago ito maaprubahan ng Senado at ni Pangulong Aquino.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na hindi puwedeng ang sektor lang ng mga guro sa pampublikong paaralan ang mabibigyan ng dagdag na sahod, alinsunod sa equal protection ng Salary Standardization Law.