INAMIN ni Katy Perry na naisipan niyang magpakamatay nang makipagdivorce siya sa dating asawa na si Russell Brand.

Binigyang-linaw na ng singer ang tungkol sa isinulat niyang kanta na By the Grace of God para sa hiwalayan nila ni Brand.

Noong Lunes, sa panayam sa kanya sa The Project, sa Australia, naging bukas ang singer tungkol sa kanyang nakaraan at inamin na naisipan niyang magpakamatay.

“Sometimes you can be blinded by your extreme emotions. I definitely was looking for answers,” paliwanag ni Katy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“And during that time that I wrote that song, yeah, I was depressed, and it was sad, and there were thoughts, but there were never actions, thankfully,” dagdag pa niya.

Isiniwalat din ni Katy ang dahilan kung bakit niya gustong ipaalam ang kanyang mga nararamdaman sa nasabing kanta.

“I wanted to share that side of my story because I know there are so many people out there that have gone through things like that, and you always feel like you’re the only one going through that.”

Bagamat naging bukas na ang singer sa kanyang naramdaman noon sa buhay, tila masaya na at nakalimutan na niya ang sakit na naramdaman. Napapabalita na lumalabas si Katy kasama si DJ Diplo at binati rin niya ito ng happy birthday noong Lunes. - The Insider