Pinaalalahanan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares ang mga mayari ng tiangge na irehistro ang kanilang negosyo at magbigay ng resibo sa mga kostumer.

Ipinalabas ng BIR chief ang direktiba kasabay ng paglipana ng mga tiangge na dinudumog sa iba’t ibang lugar ngayong papalapit na ang Pasko.

Nagbabala si Henares sa mga revenue regional director at district director sa bansa na ang mga ito ang mananagot sakaling may nadiskubreng tiangge na hindi tumutugon sa kanyang direktiba.

Babala pa ni Henares, magiinspeksiyon siya sa mga tiangge sa Metro Manila upang matukoy kung tumutupad ang mga ito sa Revenue Regulation No. 16-2013 hinggil sa mga bagong regulasyon sa pagbubuwis sa mga tiangge.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bag, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

“Privilege stores refers to outlet which is not permanently fixed to the ground and normally set up in public places like streets, parks, subdivisions, shopping malls and public buildings for the purpose of selling a variety of goods and services for short durations or during special events including festivals,” saad sa BIR guidelines.

Nakasaad din sa panuntunan na hindi dapat lalagpas sa 15 araw ang operasyon ng mga tiangge. At kung hindi tutugon ang tiangge operator dito, ituturing ng ahensiya na isang “regular business” ang establisimiyento at papatawan ng karampatang buwis.

Sa ilalim ng Tax Code, ang multa sa hindi pagbibigay ng resibo sa customer ay P10,000 sa unang paglabag, P20,000 sa ikalawa, at pagsasara sa establisimiyento sa ikatlo. (Jun Ramirez)