LEGAZPI CITY - Lalong sumisidhi ang pagbuhos ng mga turista sa Albay habang nalalapit ang Pasko bunga ng ilang dahilan, kabilang na ang daan-daang dolphin na masasayang naglalaro sa dalampasigang malapit sa Albay Gulf, pati na ang higanteng Christmas Tree na gawa sa kamote, ang nalalapit na 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, at ang Christmas Village sa bayan ng Malinao, na tinatampukan ng ilang pangunahing lungsod sa mundo.

Tunay ngang kahanga-hanga ang likas na yaman ng Albay, kasama na ang makasaysayang Cagsawa Ruins Park at ang makalaglag-pangang Mayon Volcano. Idagdag pa sa mga ito ang isang buwang singkad na Karangahan Albay Green Christmas Festival na tampok ang higanteng Christmas Tree na gawa sa kamote.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang lalawigan nila ay nagmistulang santuwaryo o ligtas na tahanan ng mga dolphin dahil sa mabuti at mabisang ecological practices nito, kasama na ang bakawan reforestation sa ilalim ng CRABS++ (Coastal Resource Agri Bio-System) Development Program Strategy ng lalawigan.

Ang pinakamalaking kaganapan dito sa Albay ngayong taon ay ang una at pasimulang Ministerial Meeting ng 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit na idaraos sa Disyembre 8-9. Dadaluhan ito ng economic ministers ng 21 bansang kasapi ng APEC at mahigit 1,000 iba pang opisyal nila.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Tiniyak ni Salceda na masisiyahan ang mga bibisita sa maalab at makataong pagtanggap sa kanila ng mga Albayano at ang kabigha-bighaning mga tanawin sa kanilang lalawigan na kilala na sa buong mundo dahil sa mga larawan at postcards. Kinikilala ngayon ang Albay na pinakamabilis na sumusulong na tourist destination sa bansa.