blind-copy-copy (2)

NAKATSIKAHAN namin ang in-demand director ng mga serye ng kilalang network at napag-usapan namin ang tungkol sa sumisikat na aktor ngayon na wala pa rin daw improvement ang acting.

Nakatrabaho kasi ng indemand director ang sumisikat na aktor at ang isa pang aktor na mukha, katawan at height lang daw ang puhunan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tinanong namin si Direk kung napapanood niya ngayon ang mga programa ng sumisikat na aktor at kung may improvement na.

"Si Ano (sumisikat na aktor), naku, waley pa rin, parang wala lang. Hirap na hirap ako sa kanya noon, akala ko may pagbabago, itinawid na lang namin 'yung mga eksena niya . 'Tap os since then hindi ko na siya naka-work, 'buti naman," natawang komento ng direktor. Ang isa pang aktor na mukha, katawan at height ang puhunan, may acting na rin ba?

"Ay, oo, malaki na ipinagbago niya, hindi mo pa ba napapanood? Okay na siya kumpara dati. Mas nagimprove nga siya kaysa kay __ (sumisikat na aktor).

"Saka mabait 'yung batang 'yun (aktor na mukha, katawan at height ang puhunan ng aktor) maski na anong galit ko, tanggap niya at panay ang sorry kasi alam niyang may mali siya lalo na kung hindi niya makuha 'yung gusto kong arte," nakangiting kuwento ng direktor.

May isang direktor ding sumali sa tsikahan at sumangayon siya sa kuwento ng katoto dahil nakatrabaho na rin aw niya ang aktor na sumisikat, "Sumuko ako, ayoko na," sabi sa amin.

Kaya sa mga bagong direktor na makakatrabaho ng sumisikat na aktor, "Eh, baka naman may magagawa sila o kaya magbaon na lang sila ng pacencia biscuits, ha-ha-ha," 'katuwang sabi sa amin.

Ano ba 'yan, wala man lang papuri kaming naririnig buhat sa mga nakatrabaho ng sumisikat na aktor. Eh, bakit siya maraming projects kung hindi naman pala siya marunong umarte?

Sabi nga ni Katotong Wendell Alvarez, alam mo na!

Yes, alam na natin kung bakit.