Hindi lamang isa kundi dalawang gintong medalya ang iuuwi ng Team Pilipinas matapos magwagi sina Maybelline Masuda at Annie Ramirez sa jiujitsu event sa ginaganap na 4th Asian Beach Games sa Phuket, Thailand.

Tinalo ni Masuda si Le Thu Trang Dao ng Vietnam sa women's 50 kgs finals sa iskor na 15-0 para sa unang gintong medalya ng bansa sa kada dalawang taong torneo bago sumunod si Ramirez na binigo ang nakalaban na si Onanong Saengsrichok ng host Thailand sa 60 kgs finals, 9-0, para sa ikalawang ginto ng Pilipinas.

Ang kambal na panalo nina Masuda at Ramirez ay nagbigay sa gintong medalya ng bansa sa tomeo matapos ang tatlong edisyon kung saan ay tanging nakapag-uwi lamang ito ng kabuuang apat na pilak at 10 tanso.

Sa kasalukuyan ay nasa pangkalahatang ikalimang puwesto ngayon ang Pilipinas sa natipong 2 ginto at 1 tanso sa 45 bansang sumabak sa torneo. Ang bansa ay nagkasya sa ikatlong puwesto na mula sa siyam na beses tinanghal na Southeast Asian Games gold medalist na si John Bay Ion sa 80kg.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Unang tinalo ng 23-anyos na si Ramirez si Rushana Nurjanova ng Turkmenistan, 12-0, upang tumuntong sa unang kampeonato at paglahok sa torneo.

Binigo naman ni Masuda, ang 6-time champion sa open category ng Pan Asian International Jiu-Jitsu Championships, si TatchapanSrisamer ng Thailand, 18-8, sa semifinals upang tumuntong sa kampeonato.

Ang 25-anyos na Filipino-Japanese na si Masuda ay una nang nag-uwi ng gintong medalya sa 2009 World Brazilian Jiu-Jitsu Championships sa California.

Ipagpapatuloy naman ng iba pang kasamahan na may kabuuang 77 atleta sa pambansang delegasyon ang kampanya upang madagdagan ang gintong medalya matapos ang opening ceremony ng torneo sa pagsabak sa 16 na sports.