Kapag naniniwala ka na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay ang pinakamainam na pangyayari sa iyo, walang mangyayaring masama sa iyo. Kapag nasibak ka sa trabaho, isipin mong may mangyayaring mas maganda mula sa iyong pagkakasibak. Isipin mong mabuti kung ano ang mabuting ibubunga ng pagkakatanggal sa iyo sa trabaho. Kapah naghanap ka ng mabuti, matatagpuan mo ang mabuti - garantisado. Hindi lamang makatutulong sa iyo ito na maibsan ang mabigat na kalooban kundi maituturo pa nito kung saang direksiyon ka pupunta. Dakong huli masasabi mo rin: “Masuwerte lala ako” at iyon ang katotohanan.

May mga bagay na dapat mong itanong sa iyong sarili : ano ang magagawa ko ngayon na hindi ko magawa noong may trabaho pa ako? anu-anong negatibong bagay ang hindi ko na mararanasan? ano ang natutuhan ko sa karanasan kong ito? Ano ang aking napala? Sa pagsasagot mo sa mga tanong na ito, naghahanap ka ng positibong resulta sa isang waring negatibong pangyayari. Hindi ba ito mas magandang ideya kaysa magmaktol at magreklamo tulad ng ginagawa ng mga normal na tao? Kapag nakasanayan mo na ang paghahanap ng mabuti sa bawat negatibong situwasyon, matutuklasan mo na lang na walang makapagpapatumba sa iyo. Hindi magbabago ang antas ng iyong kaligayahan dahil kung tutuusin walang negatibong mangyayari sa iyo. Kung hindi mo makuha ang mataas na grade mula sa iyong propesor sa kabila ng iyong pagsisikap sa pag-aaral o nawala na sa estante ang magandang sapatos na inaasinta mong bilhin, darating din sa iyo ang mas magandang pagkakataon; oportunidad ang nakikita mo at hindi kamalasan.

Ang isa pang parirala sa ganitong uri ng pamumuhay ay ang “Sumabay ka sa agos.” Kapag sumabay ka sa agos sa halip na labanan ito, matutuklasan mo na may tinatahak na direksiyon ang agos at ang direksiyon na iyon ang mainam. Maraming magagandang bagay ang mangyayari sa iyong buhay. Dumadaloy ang tadhana at nakikiramdam ito sa iyo. at kung relihiyoso ka, maihahalintulad mo ito sa Diyos na mayroong magandang plano para sa iyo. Kapag nilabanan mo ang plano na iyon, puro pagdurusa lamang ang haharapin mo.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente