Ronnie-Liang_MERCY-copy-373x500

SHOCKED naman kami sa kuwento sa amin na hinubaran ni Direk Elwood Perez si Ronnie Liang.

Itech ang tsikaboom ng ilang friends naminna nakapanood na ng unang pelikulang pinagbibidahan ni Ronnie titled Esoterika Manila na dinirihe ni Elwood. Hinubaran daw ang singer na aktor na rin ngayon sa iba't ibang eksena nitech sa said movie at 'di daw nahiya sa co-stars niya na sina Snooky Serna, Vince Tanada at Boots Anson Roa, atbp.

Meron din daw itong paglaladlad sa relasyon sa mga transgender at pakikipagrelasyon sa iba-ibang kasarian na sa palagay ni Yours Truly ay timing na timing dahil mainit na isyu ngayon ang pagkamatay ng isang transgender sa Olongapo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

When asked by Yours Truly itong si Ronnie through Facebook, dahil nasa Tate siya ngayon at sa Nov. 24 pa ang balik niya, ipinakita ba niya ang kanyang bird? Ang sagot ng damungkang, "Panoorin na lang po ninyo para may suspense, ha-ha-ha!"

Ganu'n? Ma-suspense naman kaya kami? Joke lang!

Napili ng Cinema One Originals ang Esotetika Manila bilang pambungad na pelikula sa filmiest na nagsimula noong November 9 sa Trinoma at marami ang nagpatunay na jampacked ang sinehan sa opening day ng first movie ni Ronnie.

Nakita rin namin sa Facebook account ni Ronnie Liang ang ipinost niya na naglabas pala siya ng bagong album na pinamagatang Song of Love under Universal Records. Kasama sa mga laman ng album ang tatlong original na Tagalog songs at limang English revival kagaya ng She's Always A Woman, Looking Throught The Eyes of Love, Unchained Melody, Nothing Can Stop Us Now, at ang pinakapaborito niyang Dance With My Father.

Ito ang third album ni Ronnie. Ang tanong lang, bakit nasa Universal Records ang album niya samantalang Viva ang namamahala sa career niya? Ganoon pa man, masaya kami sa mga proyekto ni Ronnie at sa mga natatamasa niyang blessings sa kanyang career. Mabait na masipag pa, kaya hindi katakataka na inuulan ng biyaya si Ronnie Liang.