UMATRAS na si Vp Binay sa debate kay Sen. Trillanes na siya mismo ang naghamon. pero pag-ukulan lang natin ng pansin ang mahalagang impormasyon inilahad ng senador bilang kanyang reaksyon sa pag-atras ng Vice-president. Ngayon lang kasi naging publiko ito na parang ang dalawa lamang ang nakakaalam nito. kung mayroon man ay iilan lamang at sinarili nila ang nangyari dahil sangkot si Vp Binay na noon ay alkalde ng Makati.

Nagplano pala sina Vp Binay at Sen. Trillanes na pabagsakin si pangulong Gloria. Sa loob ng korte, wika ng senador, nang buuin nila ang plano. Nasa korte ng Makati si trillanes dahil dito siya binibistahan ng rebelyon sa nauna nilang pag-aalsa ng kapwa niya sundalo laban sa administrasyong arroyo. Sa susunod niyang bista, lalabas ang senador kasama niya ang kapwa niya akusado at susuportahan sila ng mga sibilyang ipinangako ni Vp Binay na iipunin niya gamit niya ang kanyang kapangyarihan. ginawa ng senador ang kanyang bahagi, pero nawala raw si Vice president. Ang malaking problema nina trillanes at kapwa niya tumupad ng kanilang parte ay wala silang armas, maliban sa iilan, dahil ang kanilang baril ay iniwan nila sa pagiingat ni Binay sa City Hall ng Makati. Mabuti na lang may mga taga-media na sumubaybay sa pangyayari, sabi ni trillanes, kung wala sila ay baka maraming namatay nang magtago sila sa Manila peninsula Hotel. Nasa ulo ng senador ang determinasyon ng adminstrasyon arroyo na lipulin sila.

Isa sa dalawang bagay ang pwedeng naganap dito. Una, naduwag si Binay tulad ng kanyang pagkaduwag sa debate nila ni trillanes. Natakot si Binay na kapag sila ay nagharap ay ipamukha ni trillanes sa kanya ang naganap sa pagitan nilang dalawa. Maaring nasa isip niya kapag hindi natuloy ang debate, walang okasyon ang senador para banggitin ito. Ikalawa, may mga kasong nakabimbin noon laban kay Vp Binay na pwedeng pagbatayan ni pangulong gloria para suspindehin siya. Isang set-up ang nangyari para ubusin ni pangulong gloria ang grupo ni Trillanes bilang kapalit ng pagluluwag niya sa Vice president. pero alin man sa dalawang bagay na ito, ipinagtanggol ni Vp Binay kamakailan si pangulong Gloria sa pagkakapiit nito laban sa administrasyong Aquino dahil sa umano ay panggigipit sa kanya ng administrasyon nito. Ipinagtanggol niya ang dating pangulo na gusto niyang pabagsakin noon.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists