Mga laro ngayon

(Fil-Oil Flying V Arena):

Perpetual vs. letran (jrs)

Arellano vs. lyceum (jrs)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

St.Benilde-LSGH vs. EAC (jrs)

San Sebastian vs. San Beda (jrs)

Gaya ng inaasahan, tinalo ng reigning 4-peat champion University of Perpetual Help ang katunggaling Jose Rizal University sa loob ng tatlong sets kahapon, 25-19, 25-14, 25- 20 sa pagsisimula ng aksiyon sa men’s division ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinangunahan ng sophomore player na si Neil Barry Utorzanta, tubong Bacolod City, ang nasabing unang panalo ng Altas sa kanyang ipinosteng 16 puntos na kinabibilangan ng 10 hits, 3 blocks at 3 ring service aces.

Sinundan naman siya ni Rey Taneo na nagposte ng 11 puntos na kinapapalooban ng 9 na hits at isang block. Ayon kay Altas coach Sammy Acaylar, magiging mahirap para sa kanyang koponan ang kanilang kampanya para sa ikalimang sunod na titulo lalo pa’t pawang baguhan ang kanyang mga manlalaro at isa lamang ang nalabing beterano mula sa nakaraang taong roster sa katauhan ni Bonjomar Castel.

“Siguro mga 80 percent lang kung iri-rate ang chance namin kasi halos lahat ngayon lang nabibigyan ng exposure,” ayon kay Acaylar na sinabing ang tanging exposure lamang ng kanyang koponan bago ang NCAA ay ang nakaraang Unigames kung saan tumapos lamang silang panglima.

Para kay Acaylar, pinakamabigat nilang kalaban para sa titulo ang College of St. Benilde at ang Emilio Aguinaldo College na tumapos na ikalawa at ikatlo, ayon sa pagkakasunod, sa nakaraang Unigames.

Dinomina ng Altas ang Heavy Bombers sa kanilang service kung saan nagposte sila ng walong service aces sa pamumuno nina Ytorzanta at Castel na kapwa nagtala ng tig-3 aces.

Pinangunahan ang Heavy Bombers ni Peter Enanod na nakapagtala ng 9 na puntos na binubuo ng pitong hits at 2 blocks.