Kagyat na humito ang mga Pilipino at ang daigdig ngayong linggo upang gunitain ang pananalasa ng supertyphoon yolanda sa Eastern Visayan noong nakaraang taon. ang paggunita ay tungkol sa pagpapalawak ng kamalayan ng mga Pilipino na may mga paraan upang pagaanin ang tunay na mga banta ng kalupitan ng kalikasan. Dalawa sa mga hakbang na ito ay ang matibay at epektibong Disaster Risk Reduction (DRR) management, at ang paghinto sa pang-aabuso ng tao sa kapaligiran.

Tiyak na nanganak ng maraming bayani ang pananalasa ni Yolanda. Madaling gawaran ng espesyal na papuri sa mga ito ay ang team albay nang ipadala ito ni Albay Gov. Joey Salceda sa Leyte at Samar. Ito ang unang well-coordinated na emergency reponse sa ground Zero, partikular na sa Tacloban City kung saan may mga buhay pa na maaari pang sagipin.

Sa record, ang team Albay ang unang magtaas ng bandila ng Pilipinas sa Tacloban City pagkatapos manalasa ang yolanda; ang unang coordinated effort na bumawi ng mga bangkay; ang unang magbukas ng isang gas station at ang unang magkaloob ng inumbing tubig sa mga survivor. Sa kanilang pagdating, agad silang nagpatupad ng search-andrescue operations, medical and health services, namahagi ng relief goods, nagsagawa ng stress debriefing, sanitary engineering at water purification para sa mga survivor.

Gayong hindi naman kailangang ipagdiinan, ipinagkaloob ng team albay ang kinakailangang suporta para sa kaawa-awang mga biktima ni yolanda, na ang ilan nawala ang kanilang buong pamilya. Sa pangunguna mismo ni gov. Joey Salceda, nag-Noche Buena ang team albay sa piling ng mga survivor sa Bassey, Eastern Samar, kung saan namahagi rin ng relief goods at mga regalo sa mga bata.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bilang sinserong pagkilala sa pinakamatalinong pagresponde at dalisay na pagkakawanggawa, ang Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI), sa pamumuno ng pangulo nitong si Louie T. Arriola, ay ginawaran ang team albay ng Most Outstanding yolanda Response award sa idinaos na 18th National press Congress sa Cauayan City noong pebrero 2014. tunay ngang isang biyaya ang team Albay para sa nakararami nating kababayan.