UMABOT na pala sa p73.3 bilyon ang mga donasyon para sa mga biktima ng typhoon yolanda. May mga nagtatanong kung saan napunta ang mga tulong-dayuhan mula sa iba’t ibang bansa. Bakit yata may mga reklamo na hanggang ngayon ay naghihirap pa sila, walang tirahan at kung lang sa pagkain. Bakit?
Isang taon matapos ang pananalasa ni yolanda, nagaaway pa rin ang mga pulitiko sa kapanganyayaan ng mga biktima. May balitang wala raw naibibigay na tulong ang pambansang gobyerno sa tacloban City ayon kay Mayor Romualdez. Ito ay kinontra ni Rehabilitation Czar panflo Lacson at inakusahan pa ang alkalde ng pamumulitika at paghahakot ng mga rallyist upang hiyain ang administrasyon tungkol sa rehabilitasyon ng siyudad.
Nakabalik na ang may 133 miyembro ng 18th Filipino Contingent na nagsilbi bilang UN peacekeeping Force sa Liberia. Lulan sila ng Utair aviation mula sa Monrovia, Liberia.Isailalim sila sa quarantine sa Caballo Island malapit sa Corregidor upang mainspeksiyon na sila ay walang dalang ebola virus. Sabi nga ng isang journalist sa Facebook na kung labis ang pagiwas natin sa ebola na halos 5,000 ang biktima sa West africa, kabilang mag-ingat din ang mga pinoy sa ebulsa ng mga pulitiko, senador, kongresista at ilang cabinet member ng Aquino administration.
Nais kong ipaalam sa mga kaibigan at kamag-anak namin na ang kapatid kong si Daniel “Danny” de guzman ay namatay madalingaraw noong Martes sa edad na 67. Siya ay guro at magsasaka na nagaasikaso sa maliit naming sakahan sa San agustin, San Miguel, Bulacan. Paalam kapatid, paalam!
Sino raw kaya ang gagawa ng popemobile ni pope Francis sa pagdalaw niya sa pilipinas sa 2015? Sana ay ligtas at matibay ang popemobile at tiyakin ng mga awtoridad na hindi sa pinas madidisgrasya ang papa o dito pa siya ma-assassinate. Lagi nating isipin na may mga panatiko mula sa iba’t ibang relihiyon, sekta o ideolohiya na galit sa Simbahang Katoliko.