Nanawagan ang grupong Alliance Health Workers (AHW) na bumaba na sa puwesto si Department of Health (DoH) Secretary Enrique Ona kasunod ng mga alegasyon ng iregularidad sa pagbili ng bakuna noong 2012.

Pinabulaanan naman na ni Ona ang alegasyon ng iregularidad sa pagbili ng Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV) 10 at sa halip na PCV 13 vaccine na siyang rekomendado ng World Health Ogranization (WHO).

Aniya, walang mali sa pagbili ng kagawaran sa PCV 10, lalo na’t hindi pa naman malinaw noon kung ano sa dalawa ang mas mabisa.

Paliwanag pa niya, nagpasya silang ang PCV 10 ang bilhin dahil mas mura ito ng $1 kumpara sa PCV 13.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I categorically deny any wrongdoing with the PCV-10 vaccine procurement in 2012. I have not talked to Glaxo company regarding their PCV-10 product. As Secretary of Health, I did what I believed was best during the year 2012, when it was not yet clear which product was superior. In 2012, PCV-10 costs $15.40 per unit while PCV-13 costs $ 16.34 per unit, which is almost $ 1.00 higher,” paliwanag ni Ona.

Tiniyak din naman ni Ona na magiging bukas ang DOH sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at may independent review committee rin anyang bumubusisi sa isyu.

Bukod kay Ona, iniimbestigahan na rin si Health Assistant Secretary Eric Tayag na nag-apruba rin sa naturang PCV-10 procurement.

Samantala, bukod sa pagbibitiw sa tungkulin ni Ona, binatikos din naman ng AHW ang sinasabing kahandaan ng ahensya sakaling makapasok sa bansa ang nakamamatay na Ebola virus.