BIBIGYANG-PUGAY ng Maalaala Mo Kaya ang likas na kabutihan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng nakaaantig na kuwento ng isang preso sa Tacloban na nagngangalang Jomar (gagampanan ni Ejay Falcon), na ginawa ang lahat para sa kanyang pamilya at kapwa nang manalasa sa kanilang probinsiya ang super bagyong si Yolanda.

Nang mawasak ang isa sa mga gate ng kulungan dahil sa bagyo, agad na inalala ni Jomar ang kaligtasan ng kanyang mga kaanak. Kaya gumawa siya ng paraan upang hanapin at iligtas ang mga ito. Ngunit sa kasamaang palad, kabilang sa mga naging biktima ng bagyo ang ina at tatlong kapatid ni Jomar.

Nangibabaw kay Jomar ang pagmamahal sa kanyang pamilya. Muli niyang binuo ang kanilang bahay at gumawa ng paraan upang mabigyan ng disenteng libing ang kanyang ina at mga kapatid.

At dahil na rin sa likas na kabutihan, hindi nagawang abusuhin ni Jomar ang kalayaang natamasa niya dahil sa trahedya. Nang mailibing ang kanyang pamilya, ginawa pa rin ni Jomar ang nararapat — ang sumuko at bumalik sa kulungan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Makakasama ni Ejay Falcon sa special MMK episode sina JB Agustin, Sharmaine Arnaiz, Lito Pimentel, Art Acuña, Boom Labrusca, Erin Ocampo, Casey da Silva, Veyda Inoval, Patricia Coma, Angelou Adlao Alayao, Jhiz Deocareza, Sofia Millares, Althea Guanzon, Nico Antonio, Roy Requejo, Gerard Acao, at Michael Roy Jornales. Ito ay mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Garry Fernando.

Ang MMK ay produksiyon ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay inspirasyon sa televiewers sa pamamagitan ng mga totoong kuwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 PM, pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.