IPAGDIRIWANG ng Belgium ang kanilang King’s Day bukas, Nobyembre 15, upang parangalan ang kanilang monarka, si King Philippe, na naluklok sa trono noong Hulyo 21, 2013, matapos bumaba sa trono ang kanyang ama na si King Albert II, na namuno sa loob ng 29 taon; ito ang una sa kasaysayan ng Belgium. Ang King’s Day, na kasabay ng mga kapistahan nina St. Leopold of Babenburg at St., Albert the great, ay isang tradisyon na sinimulan ni King Leopold I, at ipinagdiriwang taun-taon ng Belgium simula pa noong 1866 upang gunitain din ang kalayaan nito sa pamahalaang Dutch noong 1830 nang pinili ng National Congress ang isang constitutional monarchy bilang anyo ng kanilang gobyerno.

Pito ang nating monarka ng Belgium mmula sa House of Saxe-Coburg-gotha, na Royal House of Belgium ngayon, simula nang matamo nito ang kalayaan noong 1830. Si King Philippe ang ikapitong hari na kumakatawan sa Belgium sa loob at labas ng bansa, sa state visits, trade missions, at high-level international meetings, pati na rin ang pagtupad sa kanyang tungkulin sa lipunan, kultura, at kalakalan ng Belgium. Ang kanyang maybahay, si Queen Consort Mathilde d’Udekem d’Acoz at may apat silang supling na sina Princess Elisabeth, Prince gabriel, Prince Emmanuel, at Princess Eleonore.

Simula noong 2001, ang tradisyonal na selebrasyon ng King’s Day ay nagsisimula sa pagsisimba sa Brussels Cathedral, na dinadaluhan ng royal family at mga dignitaryo. Inaawit ang Te Deum (papuri sa Diyos), at pagkatapos, tumutuloy ang royal family sa pakikipagpulong sa Parliyamento. indi dumadalo ang hari sa misa sapagkat atas ng etika na hindi niya dapat parangalan ang kanyang sarili. Sa dakong hapon, nagpupunta ang royal family sa Belgian Senate, kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno para sa isang seremonya, at sa pagtatapos nito inaawit ang Brabanconne, ang pambansang awit ng Belgium. Pinanonood ng hari mula sa balkonahe ang pagmamartsa ng militar na sumasaludo sa kanya bilang pagpapakita ng katapatan.

Ang tungkulin ng monarkiya ng Belgum ay saklaw ng kanilang Konstitusyon; ang hari ang tagapagtanggol ng pambansang pagkakaisa at kalayaan. Laan ng Konstitusyon sa kanya ang executive powers. Siya ang Commander-in-Chief ng Belgian Armed Forces. Isa siya sa tatlong miyembro ng federal legislative power, kasama ng dalawang kapulungan ng Federal Parliament – ang Chamber of Representatives at ang Senate. Nilalagdaan at ipinatutupad niya ang batas na inihain ng Parliyamento.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpulong sina Pangulong Benigno S. Aquino III at King Philippe sa working visit ng huli sa Europe noong Setyembre 15, 2014. Ipinarating ng Pangulo ang pasasalamat ng bansa sa ayuda ng mamamayan ng Belgium sa mga survivor ng supertyphoon Yolanda. Pinangunahan ni King Philippe ang isang economic mission sa Pilipinas noong 1996 sa kanyang kapasidad bilang Crown Prince.

Magkaugnay ang dalawang bansa sa kasaysayan. Inilimbag ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa kanyang dalawang dakilang nobela sa ghent. Mayroong embahada ang Pilipinas sa Brussels at konsulado sa Antwerp. May 3,067 Pilipino ang nakarehistro sa Belgian National Institute of Statistics, na ang karamihan ay hotel workers o seafarers sa Belgian-flagged ships.