NEW DELHI (AP) — Sinabi ng isang mataas na medical official sa India na inaresto na ang dokor na nagsagawa ng mga sterilization procedure na ikinamatayng 13 kababaihan.

Ayon kay Dr. S.K. Mandal, chief medical officer sa estado ng Chhattisgarh kung saan isinagawa ang mga operasyon, na ang surgeon ay inaresto noong Miyerkules matapos siyang magtago.

Ayon kay Mandal, ang suspek na si Dr. R.K. Gupta, ay nagsagawa ng mahigit 80 sterilization surgery sa loob ng anim na oras. Ito ay paglabag sa patakaran ng gobyerno, na nagbabawal sa mga surgeon sa pagsagawa ng mahigit 30 sterilization sa loob ng isang araw.

Ang mga operasyon noong Sabado ay bahagi ng isang libreng sterilization campaign ng gobyerno na naglalayong makontrol ang paglago ng populasyon. Pinauwi ang kababaihan kinagabihan ngunit ilang dosena pa rin ang masama ang pakiramdam. Tatlumpu’t tatlo ang namatay at 16 iba pa ang nag-aagawbuhay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho