Empress-Schuck_REGGEE-copy-392x500

BALIK GMA-7 si Empress Schuck base sa Instagram post ng GMA Network noong Miyerkules ng gabi pagkatapos ng kanilang storycon, na: "@empressita is very much looking forward to her role in #KailanBaTamaAngMali, what do you think would it be?

May pictorial ding naganap ang ibang cast ng nasabing serye base ulit sa IG post ng GMA: "Meet some of the stars of the newest show to watch out for #KailanBaTamaAngMali, soon on GMA.

Makakasama ni Empress sina Chariz Solomon, Dion Ignacio, Max Collins at Geoff Eigenmann.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nakakaloka dahil noong Miyerkules lang ng gabi ay may katsikahan kaming taga-ABS-CBN at tinanong namin kung bakit walang project si Empress at mabilis kaming sinagot ng, "Wala kasi siyang appeal, hindi nagmamarka."

Bukod dito ay may bali tang maraming offers kay Empress, pero tumatanggi raw ang aktres dahil hindi niya gusto ang karakter na gagampanan niya.

Hindi raw nagustuhan ng ABS-CBN management ang pagtanggi ni Empress kaya hindi na nga siya binigyan ng project.

Ang huling serye niya ay ang Huwag Ka Lang Mawawala noong 2013 kasama sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, Joseph Marco at Sam Milby.

Nabigyan na ng ibang projects ang mga nabanggit na nakasama ni Empress pero nanatili siyang bokya at napapanood na lang siyang mag-guest sa MMK, Banana Nite at Banana Split.

Nakakapanghinayang ang pagalis ni Empress sa Kapamilya Network pero kung wala naman siyang ginagawa, e, tama lang din na lumipat na siya ng network. At least ngayon may bago kaagad siyang serye sa Siyete at bida pa.

Ang nakakatawa ay hindi alam ng publicist ni Empress na si Katotong Vinia Vivar ang paglipat ng alaga niya kaya gulat na gulat siya nang ibalita namin ito sa kanya noong Miyerkules ng gabi, ha-ha-ha.