LONDON (AP) – Nailaglag ni Novak Djokovic ang unang dalawang game ng kanyang laban kay Stan Wawrinka. Makaraan nito, hindi na napigilan ang world No. 1.

Nanatiling kalmado ang top-ranked Serb, nalampasan ang early assault mula sa third-seeded Swiss, at dinurog ito, 6-3, 6-0, sa ATP Finals kahapon upang mas mapalapit sa hinahangad na yearend No. 1 spot.

‘’I thought he played very well the first two games. But I wasn’t frustrated. After that, it was a really amazing performance,’’ sabi ni Djokovic makaraang palawigin ang kanyang unbeaten indoor run sa 29 laro.

Magagarantiyahan si Djokovic na magtapos sa ituktok ng rankings sa ikatlong pagkakataon sa loob ng apat na taon kung mananalo sa kanyang final round-robin match sa elite tournament kontra Tomas Berdych. Mayroon siyang dalawang panalo sa Group A, habang naiposte naman ni Berdych ang kanyang unang pagwawagi laban kay Marin Cilic. Bago ang huling round ng mga laban, lahat ng apat na manlalaro ay may pagkakataon pang umabot sa last four.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Berdych, na natalo sa kanyang opening match kay Wawrinka, ay nakarekober upang manatili sa kontensiyon para sa isang puwesto sa semifinals nang talunin si Cilic, 6-3, 6-1.

Kasunod ng kanyang straight sets loss, naging mas kampante ang Czech kontra Cilic at nagpakita ng accuracy at galing sa service upang makuha ang malalaking puntos.

‘’I think today was more fighting and getting through. It’s good to have a win and it always counts,’’ ani Berdych, na lumalaban sa season finale sa ikalimang pagkakataon.

‘’It’s not my first year. I have the experience of losing the first match in the past and I know how to come back. I think that was the biggest difference

today,’’ sabi niya.