Mga laro sa Lunes, Nobyembre 17 (Ynares Sports Arena):

12pm -- Racal Motors vs. MP Hotel

2pm -- Bread Story-Lyceum vs. Hapee

4pm -- AMA University vs. MJM Builders-FEU

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa wakas ay nakuha na rin ng baguhang Bread Story-Lyceum ang kanilang unang panalo matapos ang tatlong laro ang kanilang gapiin ang Tanduay Light, 60-64, kahapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makaraang itabla ang iskor sa 50- all sa pamamagitan ng isang basket ni Jiovanni Jalalon, may 2:40 pang nalalabi sa third quarter, inagaw ng Smashing Bakers ang kalamangan sa pamamagitan ng isang 3 pointer ni Louie Vigil, 53-50, upang hindi na muling lumingon hanggang tumunog ang final buzzer.

Makailang ulit pang dumikit ang Rum Masters sa fourth canto, pinakahuli sa iskor na 64-67, matapos ang dalawang freethrows ni Roi Sumang, 46.9 segundo ang nalalabi sa laban.

Ngunit iyon na ang naging huling pagbuslo para sa Tanduay habang sinelyuhan ang dalawang foul shots ni Jalalon ang kanilang tagumpay, 14.3 segundo pa ang nakatala sa orasan.

Solong nagtapos na may double digit para sa Bread Story si Jalalon na nagtala ng 15 puntos bukod pa sa 3 rebounds, 4 na ssists at 2 steals.

Nanguna naman para sa Tanduay na nagtamo ng ikalawang sunod nilang pagkabigo matapos maipanalo ang unang laro si Foronda na may 11 puntos at 7 rebounds.

Nauna rito, matapos iwanan ng apat na puntos ang Bread Story sa first period, 24-20, nagbantang umalagwa ang Rum Masters sa second period makaraang palobohin ang bentahe sa siyam na puntos, 36-27.

Ngunit sa pagtutulungan nina Aziz Mbomiko, Daquioag at Mike Gamboa, hindi nakuhang lumayo ng Tanduay na naibaba ang kalamangan sa anim na puntos, 45-39 sa halftime.

Nagposte ng pinagsamang 13 puntos ang tatlo upang makaagapay sa opensa ng Tanduay sa second canto.