KABUL (Reuters) – Maabot ng tanim na opium ng Afghanistan ang bagong pinakamataas na ani nito ngayong taon, sinabi ng United Nations noong Miyerkules, isang hamon sa bagong presidente sa pagharap sa kalakalan na tumutustos sa Taliban-led insurgency matapos umalis ang foreign combat mission.

Lumawak ang sakahan ng opium ng hanggang 224,000 ektarya sa 2014, ayon sa UN Office on Drugs and Crimes (UNODC) survey, tumaas ng 7 porsiyento mula sa nakaraang taon, tumataas sa karamihan ng mga lalawigang nagsasaka ng opium poppy sa Afghanistan.

Ang survey na ito ay lalong magpapahiya sa mga aid donor na nagbuhos ng milyun-milyong dolyar para mabura ang pananim na ito.

Ang opium ang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga mapanganib na droga gawa ng morphine at heroin.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!