Agad na nakasiguro ang Team Pilipinas ng dalawang pilak na medalya sa ginaganap na 4th Asian Beach Games sa Phuket, Thailand.

Tinalo ni Maybeline Masuda ang nakasagupang Thai para tumuntong sa finals ng women’s 50 kg. sa jiujitsu. Nakatakda nitong makasagupa ang taga-Vietnam na si Le Trand Dao para sa gintong medalya.

Nagwagi rin si Annie Ramirez kontra sa nakatunggali mula Turkmenistan sa semifinal round upang umasam na maiuwi ang unang gintong medalya ng bansa sa torneo sa pagsagupa nito sa finals ng 60 kgs. Makakatapat nito ang isang Thai fighter sa finals.

Una nang ibinigay noong Miyerkules ng 9-straight time SEA Games gold medalist na si John Baylon ang unang medalya ng bansa na tanso sa men’s 80kg. sa jiujitsu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi pa nakakapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipinas sa nakalipas na tatlong edisyon ng nagdaan na torneo na sinimulan noong 2008 sa Bali, Indonesia. Tanging naiuwi ng mga Pinoy ay apat na pilak at 10 tanso.

Nagpadala ang Pilipinas ng kabuuang 77-atleta sa paglahok ng bansa sa 4th Asian Beach Games 2014 sa Phuket, Thailand na gaganapin simula Nobyembre 5 hanggang 26.

Sasabak ang Pilipinas sa 16 isports na pinangunahan ni Melissa Jacob na tanging natira sa bronze-medal women’s 3x3 basketball sa 3rd ABG 2012 sa Haiyang, China bilang flag bearer.