Ang super bagyong Yolanda, hindi lang maituturing na pambansang kalamidad na dumatal sa Pilipinas, bagkus naging personal na trahedya para sa bawa’t libo-libong Pilipino, pati dumamay sa mga nawalan ng bahay, negosyo, at higit, kamag-anak. Ang iba – tulad ni Sisa sa ‘Noli’ ni Rizal, hindi pa mailibing ang kanilang mga hinahanap na ka-anak dahil magpahanggang ngayon, nawawala pa. Doble hinagpis dinadanas ng ating mga kapatid hal. Leyte atbp. na sinalanta ng Yolanda, ayaw pa kasi sumahin ng Pamahalaan ang opisyal na tala ng mga taong laon ng nawawala at isama na sa listahan ng mga nasawi.

Mas gustong ipagpatuloy ng gobiyerno ang paghihinagpis ng mga ibig sana mag-luksa, sa lokohang ipanatili sa mababang bilang ang mga sinungkit ng “storm surge” at nasawi. Para sa pamilya ko din, naging personal ang Yolanda. Aking ama na 83 noong panahon na winasiwas ang malaking bahagi ng Bisayas, nanonood sa mga kaganapan sa telebisyon. Siya bilang dating gobernador ng Cebu (tinamaan San Remegio sa Cebu at taga-Leyte din), naging Kalihim ng dati pinagsanib na dalawang kagawaran – Secretary ng Public Works, Transportation & Communication, naging Senador sa Ika-7 kongreso (maituturing na pinaka-bigating lupon na pinagsama-sama lahat ng talino at galing ng bayan) sa 24 na senador, 13 bar topnotcher hal. Tolentino, Padilla, Salonga, Diokno atbp. mga di matatawarang si Doy Laurel, Ninoy Aquino, Gerry Roxas.

Napapanood ng aking ama ang kabuuang pinsala, katayuan ng ating mga kababayan, kanilang panawagan, at ang “ka-torpehan” ng pamahalaan sa agarang pagtugon at pagtulong sa kanila. Tuloy napa-luha at na high-blood ang aking butihing tatay. Dinala namin agad sa emergency at na-confine ng 2 araw. Bilang anak, nakita ko ang iba’t-ibang kulay ng kanyang emosyon – una ay habag. Kahit sa kanyang katandaan nagliliyab ang hangaring tulungan ang mga kapatid natin. At sumunod, naising makahanap ng mabilisang solusyon dahil bilang dating lider, alam niya sa karanasan kung ano ang mga dapat gawin. Pumalaot sa galit, sapagka’t mabagal at parang “student canteen” na nag-aaral at nakatingin pa sa langit ang Palasyo kung anong diskarte sa Yolanda. At sa kahulihan, kahinaan ng loob, kahit gustuhin man niya, wala siya sa antas na maka-impluwensiya para sa kabutihan ng nakakarami. Isang taon na ang lumipas. Yolanda Part Two pa rin, sa kapalpakan!
Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court