blind-copy-copy (3)

KUNG hindi lang siguro inutusan ng bosses nila ang kilalang TV reporters ng tatlong TV network ay hindi nila iko-cover ang kasalan ng dalawang kilalang personalidad na kabaro rin nila sa larangan ng telebisyon at radyo.

“Nakaka-turn-off kasi nu’ng i-brief kami ng wedding coordinator ay sinabihan kami ng, ‘Sa simbahan lang kayo puwedeng kumuha, pagdating sa reception alis na kayo kasi para lang sa bisita, kung gusto ninyo maginterview pagkatapos na lang ng kainan’,” kuwento ng kaibigan naming TV reporters.

“Nakakaloka, di ba? Naawa kami sa sarili namin kasi ipinagtabuyan kami, parang hindi naman kasamahan sa industriya ‘yung mga ikakasal. Utang na loob pa yata namin na i-cover ang kasal nila, eh, pakialam ba namin doon.”

‘Prayers for your success!’ De Lima, binati si Torre matapos italagang MMDA General Manager

Oo nga naman, bakit ganoon ang bilin ng wedding coordinator? Na siguradong galing din naman sa mga ikinasal. Ano ‘yun, tratong timawa sa TV reporters na pinagbawalang at mag-abang na lang ng mai-interview pagkatapos ng handaan?

Naisip kaya ng wedding coordinator o ng mga ikinasal na hindi makatao ang turing nila sa kasamahan nila sa hanapbuhay?

Nagkakabiruan tuloy ang TV reporters ng tatlong network, “Magdala tayo ng packed lunch, order tayo sa restaurant at sabayan natin ang mga bisitang kumain na nakikita nila para hindi naman tayo magmukhang kawawa.”

Naintindihan namin na baka walang budget kaya ganu’n ang ‘utos’ ng mga ikinasal, pero maski ba isang pirasong manok at kanin mula sa Jollibee, KFC o McDonalds hindi rin kaya?

E, di sana hindi na lang sila nagpacover sa media.