Humataw ng 16 hits, 2 blocks at 1 ace si Cristine Joy Rosario para sa kabuuang 19 puntos upang giyahan ang event host Arellano University (AU) sa unang panalo, 25-12, 25-20, 25-22, kahapon kontra sa Mapua sa pagbubukas ng NCAA Season 90 voleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Huli na nang makapag-adjust sa net defense ng Lady Chiefs sa Lady Cardinals na pinangunahan naman ni Jela Pena na nagtala ng 8 hits.

Maliban kay Rosario, kapatid ni National University (NU) mens basketball player Troy Rosario, nagposte rin ng double digit performance ang maliit ngunit matinik na open hitter ng Lady Chiefs na si Dana Henson na tumapos na may 16 puntos na kinabibilangan ng 13 hits at 3 service aces.

Nag-ambag naman si Menchie Tubiera ng 6 puntos at tig-5 puntos naman sina Rialen Sante at Shirley Salamagos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa ang Lady Chiefs sa inaasahang magiging mahigpit na katunggali ng defending champion at 4-peat seeking University of Perpetual Help para sa titulo sa taong ito, kasunod ng pagtatapos ng huli na runner-up noong nakaraang taon.