Tumanggap kamakailan ng tulong pinansiyal ang mga magsasakang Novo Ecijano bilang panimulang puhunan sa pagtatanim ng bawang.
Sinabi ni PGF Garlic Growers Association, Inc. President Jose Queja na inilunsad ng samahan ang proyektong Balik Binhi sa layuning matulungan ang mga magsasaka sa pamamahagi ng mga binhi.
Ayon sa report, layunin din ng samahan na mapalawak ang produksiyon ng bawang sa bansa kaya sa panahon ng pagtatanim ay inaasahang matatamnan ang nasa 1,255 ektarya sa bansa.
Ibinahagi rin ni Queja na malaki ang maitutulong ng programa sa kita ng mga magsasaka at para mapanatili ang supply at mababang presyo ng bawang.