Tampok ang mga premyadong bisikleta para sa kompetitibong torneo kung saan ay makikilatis ng biking aficionados at elite riders ang paglulunsad ng unang Philippine Bike Expo sa Nobyembre 15-16 sa World Trade Center.

Inorganisa ng Phil-Bike Convention, Inc. at sa pakikipagtulungan ng Ex-Link Events, maihahalintulad ang Bike Expo na ginaganap taun-taon sa abroad kung saan ay ipaparada ang mga premyadong bisikleta na mabibili sa mas mababang halaga.

Makikibahagi rin para magbigay ng demonstration at biking clinic si dating World Trials Champion Thomas Oehler , habang pangungunahan ni rapper Gloc-9 ang mini-concert na isa sa highlight ng dalawang araw na kasiyahan

“The first Phil-Bike Expo is a comprehensive event that is fun, informative, highly interactive and most importantly, benefiting local athletes and communities. We’d like to thank entrepreneurs, groups, associations and partners who are all collaborating with us to meaningfully promote biking in the Philippines,” sambit ni PBCI president Wilson Ong.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod sa mga bisikletang mapag-pipilian, nakatakda ring magsagawa ng libreng pagtuturo ang mga exhibitor para sa pangangalaga ng bisikleta, tamang gawin sa sandaling magkaroon ng aberya habang nasa biyahe at tamang piyesa na kailangan para sa emergency.

Gaganapin din ang Indoor BMX Halfpipe competition na lalahukan ng amateurs at prominenteng BMX riders sa bansa.

Ayon sa organizer, tumaas ang bilang ng mga Pinoy na sumasabak sa BMX, higit nang manalo ng gintong medalya si Danny Caluag sa nakalipas na Asian Games sa Incheon, South Korea.

Bukod sa mga diskwentong naka-handa, ipinangako ng mga exhibitor na ihahanda nila ang mga klase ng bisikleta na para sa mga baguhan at kompetitibong riders na pasok sa kanilang budget.

Ayon sa PBCI, target din ng programa na mapalakas ang industriya ng bisikleta sa bansa at maipakita sa mundo na malaki ang tiyansa ng Pilipinas na maging sentro ng biking tournament sa Asya.

“The advocacies and initiatives related  to biking are also very close to our hearts this is why you’ll see the Expo have these incorporated in its activities. We have to come together as one community to promote biking and its benefits, as well as, do what we can to gather support for our local athletes and assist local communities who need bikes for transport,” pahayag ni event organizing chief Aldrin Lim.