Tinutulan kahapon ng panig ng tagausig ang iniharap na mosyon ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla na makapagpalipas ng gabi sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City dahil maaari naman umano itong makapag-pa-check up bilang out-patient.

“These tests can be done by the accused as an out-patient. Thus, there is no need for the accused to stay overnight in the hospital, outside his place of detention,” saad sa isinumiteng opposition letter ng prosecution sa Sandiganbayan-1st Division.

Kinuwestiyon din ng prosekusyon ang idinadaing na karamdaman ni Revilla, katulad ng migraine at ubo’t sipon dahil hindi umano government doctor ang sumuri kundi personal physician ng senador.

Iginiit din ng prosekusyon sa anti-graft court na ibasura ang nasabing mosyon dahil sa kawalan umano ng merito.

Metro

Lalaking bugbog-sarado matapos gahasain ang 4-anyos na bata, arestado!

Hinihiling ng kampo ni Revilla na maisailalim ito sa medical examinations sa Nobyembre 17.