Hiniling ng isang grupo ng mga mamamahayag sa Office of the Ombudsman (OMB) na atasan ang pulisya na payagan ang media coverage sa pagdinig sa Maguindanao massacre case sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ang kahilingan ay nagmula sa Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ), isang koalisyon ng iba’t ibang grupo ng mamamahayag, tulad ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Philippine Center for Investigative Journalism, Center for Media Freedom and Responsibility, at Philippine Press Institute.

Inilarawan ng FFFJ ang media ban na isang pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag at hadlang sa pagbibigay-alam sa publiko sa mga kaganapan sa paglilitis, na ang kritikal ay ang pagwawakas sa tinaguriang “culture of impunity.”

Agosto 2013 nang sinimulan ang pagpapatupad ng media coverage sa paglilitis sa mga inakusahang sangkot sa Maguindanao massacre, na 58 ang napatay kabilang ang 32 mamamahayag.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“It is therefore filing a complaint before the Ombudsman against responsible officials of the Philippine National Police and the Bureau of Jail Management and Penology,” dagdag ng FFFJ.

Iginiit ng grupo na 2010 nang sinimulang subaybayan ng media ang kaso ng Maguindanao massacre, na pangunahing akusado ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan. - Jun Ramirez