Mapapalitan na ang mga lumang riles ng Light Rail Transit (LRT) 1 sa unang bahagi ng susunod na buwan sa pagdating ng mga steel rail at concrete sleeper-making machine simula ngayong linggo.

Sinabi ni LRT Authority spokesperson Hernando Cabrera na ang joint venture ng Jorgman Planning and Development Co., Erin-Marty at Korean Rail ang binigyan ng karapatan sa sleeper-making machine noong Lunes sa LRT 1 depot sa Pasay City.

Ayon kay Cabrera ang joint venture na nanalo ng P269-million LRT 1 rail replacement project ay kailangan ding mag-suplay ng concrete sleepers, ang rectangular support para sa mga riles na kailangan para sa pagkakabit ng mga bagong riles.

Hindi maaapektuhan ang operasyon ng LRT 1 dahil gagawin ang pagpapalit ng mga riles mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 3:00 ng umaga. Aabutin ng dalawang taon bago matapos ang pagkakabit ng mga bagong riles sa northbound tracks para sa Baclaran sa Pasay patungong Blumentritt sa Manila at sa southbound tracks mula Monumento sa Caloocan patungong Abad Santos sa Manila. - Kris Bayos

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho