TOKYO (Reuters) – Isang lalaking Japanese ang namatay matapos silaban ang sarili sa isang parke sa downtown Tokyo sa kanyang pagpoprotesta sa pagbabago palayo sa postwar pacifism sa ilalim ni Prime Minister Shinzo Abe, iniulat ng NHK national television noong Miyerkules.

Nitong Hulyo, inalis ng gabinete ni Abe ang mga hadlang sa paglaban ng militar sa ibang bansa, isang malaking tagumpay sa politika, ngunit tinututulan ng maraming botante.

Rumesponde ang mga pulis noong Martes ng gabi sa isang emergency call tungkol sa isang nasusunog na lalaki sa Hibiya Park, malapit sa parliament at mga opisina ng gobyerno. Idineklara siyang patay sa ospital.

National

Pahayag ni VP Sara, ‘active threat’ sa buhay ni PBBM — Malacañang