NAGULAT kami nang makita namin sa background ng Relaks, It’s Just Pag-ibig si James Reid. Ekstra lang siya sa pelikula.
Katwiran ng isa sa Spring Films producer na si Erickson Raymundo, “Bago pa lang kasi si James Reid nang gawin ang movie, hindi pa siya sikat, eh, ngayon sikat na sikat na. Last year pa kasi ito ginawa.”
Kuwento naman ng ex-girlfriend ni James na si Ericka Villongco, “We’re still together when we’re doing Relaks, so nag-cameo role siya.
Clingy girlfriend ang papel ni Ericka sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig kaya tinanong namin siya kung ganito rin siya noong sila pa ni James.
“I believe all girls can get crazy at a certain extend but I was never jealous of him like I would always push him in something. I am very proud of him now,” sagot ng dalagita.
Selosang girlfriend ba si Ericka?
“Hmmm, sometimes,” natawang sagot ng dalaga.
Sabi namin, na ginaya namin sa kuwelang dialog niya sa pelikula, ‘You’re always galet.’
“Why, you galet?” mabilis na sabi rin ni Ericka.
Overwhelmed naman si Iñigo sa magagandang review sa kanya kaya hanggang tenga ang mga ngiti at excited siya dahil may next movie siyang gagawin sa Viva Films, na tatapusin niya bago siya bumalik ng Amerika para tapusin ang last two years niya sa high school.
“I want to finish my last two years, ayoko po ng online,” say ng binatilyo.
Okay ba sa kanya na may clingy girlfriend?
“It depends po, I mean, siguro hindi kasing clingy ni Cupcake (Ericka), gusto ko po ‘yung clingy na cute na alam mong she cares,” sagot ng anak ni Piolo.
Katabi ni Iñigo si Sofia kaya tinanong namin kung clingy partner/ MU GF ba siya, na ikinatawa nito.
“Clingy, hindi po ako ganu’n, konti lang,” sagot ng dalaga.
Tinanong din namin si Julian kung nagkaroon na siya ng clingy girlfriend, “I don’t think so,” say ng binatilyo.
Astig ba sa totoong buhay si Julian, gaya ng role niya sa Relaks? “Hindi po, sobrang banal po,” sabay ngiti sa amin.
Hmm, komedyanteng bata. Marami pa sana kaming itatanong pero nakatitig na sa amin ang handler ng bagets na si Ms. Lulu Romero na nakakatuwa kasi panay ang haplos sa likod namin.
Ganyan ang magandang gesture ng mga handler, hindi ‘yung nakasimangot o kaya ay biglang hihilahin ang artista.
Graded A ng CEB ang pelikula kaya libre ito sa tax at higit sa lahat, hindi kalakihan ang nagastos ng Spring Films sa Relaks, It’s Just Pag-Ibig kumpara sa tatlong Kimmy Dora franchise na tig P30M bawat isa. Kaya madali itong makakabawi sa puhunan. Marami ang nagsasabi na may potential itong maging big hit. Sana nga.