Ang National Bureau of Investigation (NBI), ang pangunahing investigative arm ng gobyerno, ay nagdiriwang ng kanilang ika-78 taon ngayong Nobyembre 13. Ang pangunahing layunin nito ay ang pantilihin ang modero, epekibo, at mahusay na investigative at forensic services pati na rin ang pananaliksik upang maipatupad ang enabling law nito, ang Republic Act (RA) 157, na may gabay ng motto na “Nobility, bravery, and integrity”. Kumikilos sa ilalim ng Department of Justice (DOJ), pambansa ang saklaw nito at ang kapangyarihaw nito na mag-imbestiga ng mga krimen at iba pang paglabag sa mga batas ng Pilipinas ay sakop ang lahat ng lungsod, munisipalidad, at probinsiya. Ito ang national clearing house ng criminal records at iba pang impormasyon upang magamit ng prosecuting at law enforcement agencies.
Mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2013, ang Investigation and Intelligence Services pati na ang Regional Operations Services ng NBI ay tumanggap ng 10,465 kasong kriminal, kung saan 8,326 dito ang tinapos. Sa mga kasong ito, 2,695 ang inirecomenda para sa prosekusyon. Natagpuan ng agents at special investigators ang 155 katao sa pamamagitan ng warrants/orders of arrest na inisyu ng iba’t ibang hukuman sa buong bansa at sa pamamagitan ng requests para hanapin ang mga nawawalang tao. Ang technical services ng bureau experts sa forensic medicine and chemistry, questioned documents, ballistics, polygraph, dactyloscopy, at investigative photography ay may kabuuang 12,700 na may 1,500 pagdalo sa pagdinig. Ineksamin nila ang may 29,073 laboratory specimen.
Sa NBI nag-a-apply ang publiko ng clearance for travel o employment. Upang mapaglingkura sila nang mas mahusy, lumipat ito noong 2011 sa isang electronic biometric clearance system at nagbukas ng satellite centers sa buong bansa. May 63 opening clearance center, 16 dito ang ang nasa regional at 22 sa district offices, 11 sa local government units, at ang iba naman sa mga mall. Noong 2013, mahigit 5,394,340 o average na 22,383 application kada araw ang tinatanggap mula sa buong bansa para sa iba’t ibang layunin, habang 5,370,859 clearance ang inisyu. Naglunsad ito nong Enero 2014 ng online applications para sa bago at renewal ng NBI clearances sa pamamagitan ng www.doj.gov.ph o www.nbi.gov.ph.
Nilikha ang NBI sa bilang Department of Investigation (DI) noong November 13, 1936, sa bisa ng Commonwealth Act No. 181. Ginaya ang Federal Bureau of Investigation ng Amerika, ang inisyal na investigative force ay binuo ng 45 kawani, na kinompleto ng isang a staff ng doctors, chemists, fingerprint technicians, photographers, at stenographers. Noong panahon ng Hapon, ang DI ay kaakibat ng Bureau of Internal Revenue at Philippine Constabulary ay kilala bilang Bureau of Investigation. Sa post-liberation period, ang DI agents ay na-recruit ng US Army baling mga imbestigador. Sa bisa ng RA 157 noong Hunyo 19, 1947, nireorganisa ang Bureau of Investigation. Sa bisa naman ng Executive Order 94 noong Oktubre 4, 1949, muli itong pinangalanan bilang NBI.