Hiniling ni Senator Aquilino Pimentel III kay dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado na ibigay na lamang niya ang 4.5 ektaryang lupa na kabilang sa tinaguriang “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas.

Ayon kay Pimentel, nakarehistro kay Mercado ang lupa na sinabi ng dating bise alkalde na ibinigay sa kanya ni Vice President Jejomar Binay noong magkakampi pa sila sa Lungsod ng Makati.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“He has everything to gain and nothing to lose by giving the land to the government,” ani Pimentel.

Ayon kay Pimentel, pwedeng ibigay ang lupa sa Department of Agrarian Reform para ipamahagi sa mga magsasaka o sa municipal government ng Rosario, Batangas.

Ang lupa ni Mercado ay bahagi ng 145 hanggang 350 ektarya na sinasabing pag-aari ni Binay na inaangkin naman ng negosyanteng si Antonio Tiu.

Si Mercado ang pangunahing testigo laban kay Binay hinggil sa diumano’y mga katiwaliwan sa Makati City. Sa nakaraang pagdinig, sinabi niya na hindi siya bumili ng lupa pero may nilagdaan siyang deed of sale batay na rin sa kautusan ni Binay.