MUSIKANG malapit sa puso ng mga Pinoy na binigyan ng bagong tunog ang handog ni Darryl Shy, ang naging The Voice of the Philippines Season 1 finalist na Star Records exclusive recording artist na ngayon, sa kanyang self-titled debut album.

Mula sa kanyang trending at markadong pag-awit sa The Voice ng sikat na folk song na Balita ng bandang Asin noong nakaraang taon, muling iparirinig ni Darryl ngayon sa buong sambayanan ang naging tatak na niyang folk-pop music sa pamamagitan ng limang awiting laman ng kanyang unang album.

Tampok sa debut album ang revival ng apat na classic hits kabilang ang OPM favorites na Ang Pag-Ibig Kong Ito at Kung Kailangan Mo Ako at international classics na Desperado ng Eagles at Danny’s Song ni Kenny Loggins. Maririnig din sa album ang orihinal na awitin na komposisyon ni Piero Vergara na pinamagatang Home at instrumental versions ng Desperado at Ang Pag-Ibig Kong Ito.

Ang self-titled album ni Darryl ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P199. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph at www.starmusic.ph.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras