Iniutos kahapon ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong malversation of public funds laban sa isang dating opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng paglustay umano ng P44.3 milyong pondo noong 1998 hanggang 2007.

Tinukoy ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Gideon De Guzman, dating Director for Finance Services na ipinagharap ng 46 counts ng malversation charges at paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

“Malversation is committed when a public officer, who has custody of funds or property by reason of the duties of his office and to which he is accountable, appropriated, took, misappropriated or consented or, through abandonment or negligence, permitted another person to take these funds or property,” banggit ng anti-graft agency.

Niliwanag naman ng Ombudsman na ang Section 3(e) ng R.A. No. 3019 ay isinasampa laban sa isang personalidad kapag “nagpakita ng pagkiling at kapabayaan, o pagbibigay ng anumang pabor sa isang pribadong kumpanya.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sumingaw ang nasabing anomalya nang tumanggap ng cash advance si De Guzman na aabot sa P44.3M upang magamit sana sa iba pagkakagastusan katulad ng conferences, meetings, at food allowances, at mga regalo.

Pero, sinabi ng Ombudsman na nabigo pa rin ito na i-liquidate ang nasabing salapi.

Matatandaang sinibak na rin sa serbisyo si De Guzman noong Hulyo 15, 2012.