Pinakakasuhan ng Department of Justice (DoJ) ang anim na dayuhan na inaresto sa pagsalakay kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang mega shabu laboratory sa Camiling, Tarlac.

Kinumpirma ni Prosecutor General Claro Arellano na nakitaan ng probable cause ang reklamong isinampa ng NBI laban sa anim na Chinese.

Kasong paglabag sa Sections 8 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) na may kinalaman sa paggawa at pag-iingat ng ilegal na droga ang inirekomendang isampa laban kina Sand Chai Wang, Xia Jian Jun, Xu Jian Dong, Hueng Zhogjie, Wang Xiao Bing, at Zhan Zhi Long.

Ito ay batay na rin sa inquest resolution na pirmado ni Assistant State Prosecutor Mark Roland Estepa at inaprubahan ni Arellano.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng mga dayuhan, ayon kay Arellano.