HABANG nalalapit ang pagtatapos ng Pure Love (sa Biyernes, Nobyembre 14) ay tuwang-tuwa ang mga bidang sina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, Arjo Atayde at ang buong team dahil nakalamang sila ng 17 puntos sa katapat nitong programa sa GMA 7.

Maraming nag-abang sa paggising ni Diane (karakter ni Alex) mula sa matagal na pagka-comatose kaya pumalo sa national ratings game ang Pure Love sa 27.8% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na Coffee Prince na nakakuha lang ng 11.2%.

Kinasasabikan ng lahat na tagasubaybay ang huling linggo ng Pure Love nang nakalap na ni Diane ang tatlong “pure love tears” at haharapin naman niya ang lahat ng kasinungalingan at rebelasyon na bumago sa takbo ng kanyang buhay.

Inaabangan din kung paano mapapatawad ni Diane ang mga taong nakasakit sa kanya tulad nina Kayla (Yam Concepcion) at Raymond (Arjo) at kung tuluyan na bang mawawala ang pag-asa sa puso ni Diane kapag nalaman niyang nakatakda pa rin siyang mamatay pagkatapos ng anim na araw. Kaabang-abang din kung paano siya magpapaalam sa dalawang taong pinakamalapit sa puso niya na sina Ysabel (Yen) at Dave (Joseph).
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza