Buo pa rin ang loob ni Senator Antonio Trillanes IV na harapin sa debate si Vice President Jejomar Binay sakaling magbago ang isip nito para sa kanilang naumsiyaming debate na inaantabayanan ng publiko.

Umatras na si Binay sa itinakdang debate nila ni Trillanes sa Nobyebre 27 na sana’y pangangasiwaan ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP).

“Payag pa din ako para marining ang mga paliwang niya (Binay) sa mga isyu” ani Trillanes.

Sinabi ni Trillanes na inaasahan na rin nila ang pag-atras ni Binay dahil hindi naman talaga ito mapagkakatiwalaan at hindi pinaninindigan ang kanyang binitawang salita.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“In a way, expected na po natin, ever since hindi naman mapagkakatiwalaan, hindi mapanghawakan ang kanyang salita, this one totally destroys whatever credibility he has,” ayon pa kay Trillanes.

Aniya, wala namang itong magiging epekto sa patuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee.