ISANG surgeon na kapatid ng kaibigan naming dating actress at politician ang nakausap namin at agad nagtanong kung alam na raw ba namin na nagdadalantao ang isang sexy actress na alaga ng isang TV network.
Ayon sa kausap namin, kaibigan niya ang doctor sa kilalang ospital na tumitingin sa sexy actress. Kuwento raw ng kaibigan niya, napapadalas na nga ngayon ang pagbisita ng sexy actress na itinatago sa publiko ang kalagayan.
Mag-isa lang daw ang sexy actress tuwing nagpapatingin kaya never pa raw nasilayan ng kaibigan niyang doctor ang ama ng ipinagbubuntis ng magandang aktres.
Nali-link sa isang non-showbiz guy ang sexy actress. May nakapagsabi sa amin na sobrang in love ito sa boyfriend kaya halos lahat ay ipinagpapalit niya para rito.
Binanggit din ng source namin na napag-alaman niyang may balak umalis ng bansa ang sexy actress. Feeling pa ng kausap namin, may balak ang sexy actress na tuluyang itago sa publiko maging ang pagluluwal sa sanggol.