PINOY_APEC_01_WIRES_111114-619x406

BEIJING (Reuters) — Hindi matatag ang global economic recovery at kailangang bilisan ng mga nasyon sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) bloc ang mga pag-uusap para sa malayang kalakalan upang matustusan ang paglago, hikayat ni Chinese President Xi Jinping noong Martes.

Nagsalita sa pagsisimula ng summit ng mga lider ng APEC, hinimok ni Xi ang pagpupulong na bilisan ang mga pag-uusap sa trade liberalization framework na tinatawag na Free Trade Area of the Asia Pacific (FTAAP,) na isinusulong ng Beijing.

“We should vigorously promote the Asia-Pacific free trade zone, setting the goal, direction and roadmap and turn the vision into reality as soon as possible,” ani Xi.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nakita ng ilan ang panukalang pag-aaral sa FTAAP plan, na ipipresinta sa mga lider ng APEC para aprubahan, na isang paraan para mailayo ang atensiyon sa Trans-Pacific Partnership (TPP) trade agreement na itinutulak naman ng United States. Ang China ay hindi bahagi ng TPP, na naglalayong mag-establisa ng free-trade bloc na sasaklaw mula Vietnam hanggang Chile at Japan, Abasolasasakupin ang halos 800 milyong katao at halos 40 posiyento ng ekonomiya ng mundo.

Sinabi ni Xi sa state news agency na Xinhua noong Lunes na ang FTAAP “does not go against existing free trade arrangements which are potential pathways to realize FTAAP’s goals”.

Ang APEC, na kasapi ang United States, China, Japan, South Korea, Indonesia, Pilipinas at Canada, at iba pang mga bansa ay binubuo ang 40 porsiyento ng populasyon ng mundo, 54 porsiyento ng economic output nito at 44 porsiyento ng kalakalan.