Ang Pilipinas ang best performing country sa Asia sa pagpapakitid ng agwat ng mga kasarian. Ito ang tanging bansa sa Asia-Pacific na naisara nang tuluyan ang hindi pagkakapareho sa edukasyon at kalusugan, nakapagtipon ng .0781 puntos, ayon sa Global Gender Gap 2014 report ng World Economy Forum (WEF), na inilabas noong Oktubre October 29, 2014. Sa ika-9 na puwesto sa 142 bansang na-survey, taglay ng Pilipinas ang best place sa Southeast Asia, na sinundan ng Singapore (59), Thailand (61), Vietnam (76), Indonesia (97), at Brunei (98). Sa top 10 ng most gender-equal countries, kasama ng Pilipinas ang Iceland, Finland, Norway, Sweden, Denmark, Nicaragua, Rwanda, Ireland, at Belgium. Nang simulan ng WEF ang report noong 2006, laging nasa top 10 ng listahan ang Pilipinas.

Ang report, na nasa ikasiyam na taon na gnayon, ay sumuri sa 142 bansa sa kung gaano kahusay nilang hinahati ang resoruces at mga oportunista sa populasyon ng mga lalaki at babae. Sinubaybayan nito ang matibay na ugnayan sa pagitan ng gender gap ng isang bansa at sa national competitiveness nito. Sapagkat saklaw ng kababaihan ang kalahati ng potential talent base ng isang bansa, ang competitiveness ng isang bansa ay nakasalalay sa kung paano nito pinaglalaanan ng edukasyon at pinakikilos ang mga babae, ayon dito.

Sinukat ng report ang gender inequality sa apat na larangan - Economic Participation and Opportunity, Educational Attainment, Political Empowerment, at Health and Survival. Pangalawa ang Pilipinas sa Norway sa abilidad ng kababaihan na umangat sa mga posisyon ng pamumuno at kalakalan, at may mataas na persentahe ng mga establisimiyento na may partisipasyon ng kababaihan sa pag-aari.

Sa pangkalahatan, ayon sa report, humuhusay ang gender equality sa daigdig, na may 105 bansa ang nagiging mas patas simula pa noong 2006 at ang access sa kalusugan at edukasyon ang pinakapantay sa buong daigdig. Ipinakita ng report ang karamihan sa mga improvement ay nasa partisipasyon ng kababaihan sa pulitika; na ang maraming progreso sa gender equality nitong huling mga taon ay nagmula sa pagpasok ng mas maraming babae sa pulitika at sa trabaho. Mahalagang matamo ang gender equality lalo na sa ekonomiya, ayon sa WEF, sianbi na yaong mga ekonomiya na may full access sa lahat ng kanilang talento ang nananatiling competitive at sasagana.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Philippine Commission on Women, ang lead agency para sa pagtataguyod ng women’s empowerment, human rights, at gender equality, ay tinanggap ang report, sinabi na ang sama-samang pagsisikap ng gobyerno, non-government organizations, civil society groups, at akademya ang nagluluklok sa Pilipinas sa listahan ng top 10. Hindi dapat makontento at marami pang trabahong dapat gawin lalo na sa partisipasyon at representasyon ng kababaihan sa lipunan, sabi nito.