MILWAUKEE (AP)- Umiskor si O.J. Mayo ng 19 puntos at nagtala si Brandon Knight ng 16 upang hadlangan ng Milwaukee Bucks ang Oklahoma City Thunder, 85-78, kahapon.

Nagposte si Reggie Jackson ng 29 puntos, may siyam na mataas sa kanyang season average, sa Oklahoma City. Nag-ambag si Serge Ibaka ng 14 kung saan ay sumadsad ang 0-5 sa kanilang pagdayo.

Ungos ang Bucks ng 5 matapos ang tatlong quarters at napalawig ang kanilang kalamangan ng mahigit sa 11 puntos sa fourth. Tinapyas ng Oklahoma City ang kalamangan sa 4 mula sa dalawang free throws ni Ibaka sa nalalabing 31 segundo ngunit hanggang doon na lamang ang kanilang paglapit.

Napag-iwanan ang Milwaukee ng 10 sa ikalawang quarter bago kunin ang 41-38 lead sa unang half. Inasinta ni Zaza Pachulia ang 6 puntos, 6 rebounds at 3 assists sa unang half.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Itinarak ni Knight ang unang 7 puntos sa Milwaukee sa third quarter kung saan ay sinimulan ng Bucks ang pagkontrol sa laro.

Ikinasa ng Oklahoma City ang 22-15 lead matapos ang unang quarter, hinadlangan ang Milwaukee sa 35 percent sa shooting.

TIP-INS

Thunder: Kinapalooban ng injuries, sa wakas ay binihisan na ng Oklahoma City ang 10 players sa nasabing laro, kasama si Anthony Morrow na tinipa ang 10 puntos, naisakatuparan ang kanyang season debut makaraang makarekober mula sa knee injury.

‘’It’s nice to have an extra body,’’ pahayag ni coach Scott Brooks.

Nanatili ang team’s top players, sina Kevin Durant (right foot fracture) at Russell Westbrook (fractured finger) sa sidelined sa extended periods.

Apat na iba pang mga manlalaro ang pinagpahinga, kasama na sina Perry Jones, Grant Jerrett, Andre Roberson at Mitch McGary.

‘’We’ve just plugged along and tried to focus on what we can control,’’ ayon kay Brooks.

Bucks: Inihayag ng Bucks, bago ang laro, na si Khris Middleton ay nagkaroon ng sore right knee na bagamat nakauniporme ay ‘di pa rin paglalaruin.

Humingi ng paumanhin si coach Jason Kidd kay veteran forward Ersan Ilyasova, na kanyang inalis sa starting lineup matapos ang unang tatlong mga laro.

‘’I like the way he’s competing defensively,’’ pahayag ni Kidd.

Gumaralgal si Ilyasova sa opensa at ummentra sa laro na may 23 percent mula sa 3-point range sa shooting.

‘’The shots will come,’’ dagdag ni Kidd.