BARCELONA, Spain (AP)– Sinabi ng doktor ni Rafael Nadal na sasailalim sa stem cell treatment ang 14-time Grand Slam winner para sa iniindang pananakit ng likod.
Inilahad ni Angel Ruiz-Cotorro sa The Associated Press noong Lunes na ‘’we are going to put cells in a joint in his spine’’ sa darating na Lunes sa Barcelona.
Na-sideline na ang Spanish tennis star para sa kabuuan ng season makaraang tanggalin ang kanyang appendix noong nakaraang linggo.
Ayon kay Ruiz-Cotorro, na doktor ni Nadal sa nakaraang 14 taon, ang back pain ni Nadal ay “typical of tennis players” at ang treatment ay nakatuon sa pagsasa-ayos ng kanyang cartilage at kahalintulad ng stem cell treatment na natanggap ni Nadal sa kanyang tuhod noong nakaraang taon.
Aniya, inaasahang magbabalik sa pagsasanay si Nadal sa maagang bahagi ng Disyembre.
Ilang NFL at baseball players ang nakatanggap na ng stem cell treatment.
Ang kapwa Spaniard ni Nadal na si Pau Gasol, ang sentro ng Chicago Bulls, ay sumailalim sa stem cell treatment para sa kanyang tuhod noong 2013.
Nakaramdam ng matinding pananakit ng likod si Nadal sa final ng Australian Open noong Enero nang matalo kay Stanislas Wawrinka.
‘’(Nadal) has a problem typical Awitanin tennis with a back joint, he had it at the Australian Open, and we have decided to treat it with stem cells,’’ ani Ruiz-Cotorro.
Sabi niya, kumuha ng stem cells mula kay Nadal para sa cultivation process upang “to produce the necessary quantities.’’