London (AFP)– Napanatili ni Andy Murray na buhay ang kanyang bid na makaabot sa semifinals ng ATP Tour Finals nang makuha ang krusyal na 6-3, 7-5 panalo kontra kay Milos Raonic kahapon.
Alam ni Murray na siya ay mapapatalsik mula sa prestihiyosong season-ending event sa O2 Arena sa London kung matatalo sa Canadian na si Raonic, kung kaya’t nagbigay ng malakas na performance ang world number six upang masiguro ang kanyang unang panalo sa Group B at manatili sa karera para sa last four berth.
Kailangan na ngayong matalo ng dating kampeon ng Wimbledon ang six-time winner na si Roger Federer sa kanyang final group match bukas upang makuwalipika, habang si Raonic, makaraang matalo ng dalawang sunod, ay halos sigurado nang mapapatalsik.
“On Sunday, there wasn’t much magic. Today I came up with some good shots in the right moments. Milos didn’t serve as well as he can and that helped,” saad ni Murray.
“It’s a nice match against Roger to look forward to. It’ll be a great atmosphere again.”
Ang pagkakapanalo ni Murray ay nangangahuluhan din na hindi pa 100 porsiyentong sigurado si Federer na uusad ito sa semis sa kabila ng pagkuha sa dalawa niyang group matches, kabilang ang 6-3, 6-2 pagwawagi laban kay Kei Nishikori ng Japan kahapon.
Makaraang maglaro ng anim na sunod na linggo sa kanyang matagumpay na bid na makuwalipika para sa Finals makaraang panandaliang malaglag mula sa Top 10, nakakuha ng mga titulo si Murray sa Shenzhen, Vienna at Valencia upang maisalba ang kanyang ranking.
Sa edad na 33, si Federer ang pinakamatandang player na nakuwalipika para sa Tour Finals sa kanyang ika-13 sunod na appearance, ngunit ipinakita niya ang kanyang age-defying form sa huling tatlong araw.
Tinalo ng 17-time Grand Slam champion si Raonic at US Open finalist Nishikori na hindi naglaglag ng kahit isang set at ginarantiyahan ang top spot sa kanilang grupo, na magbibigay ng karagdagang bonus na maaari niyang maiwasan ang semifinal showdown kontra kay Novak Djokovic kung matatalo niya si Murray.
“I’ve know Kei since he was 17 years old and always thought he was a great talent. He’s going to have a great future so I’m very pleased with the way I played,” ani Federer.