APTOPIX-Pelicans-Cava_Luga-352x500

CLEVELAND (AP)– Nagtala si LeBron James ng triple-double na 32 puntos, 12 rebounds at 10 assists habang nailista ni Kyrie Irving ang 27 sa kanyang 32 puntos sa second half upang pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 118-111 panalo kontra sa New Orleans Pelicans kahapon.

Nagdagdag si Kevin Love ng 22 puntos para sa Cavs sa kanila lamang ikalawang home game ngayong season.

‘’This is special,’’ ani Irving, na nagdagdag ng 9 assists at isang turnover lamang ang nakuha sa loob ng 40 minuto. ‘’We played well as a group.’’

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Dinomina nina James at Irving ang second half, nagtambal para sa 46 puntos, 30 sa ikatlong quarter nang malampasan ng Cavs ang isang 9-point deficit. Nag-ingay din si Love at gumawa ng apat na 3-pointers.

Umiskor si Anthony Davis ng 27, kasama ang 14 rebounds, para sa Pelicans, na tinalo ang NBA champion San Antonio noong Sabado ng gabi at binigyan ang Cavaliers ng dikdikang laban.

‘’In order for you to become one of the best you have to play the best and learn from them,’’ saad ni Davis. ‘’I love playing against LeBron and the Cavs. They’re a tough team. They have three players who can score the ball at will. We broke down defensively. They scored 118 points. We can’t allow teams to do that.’’

Ang 3-pointer ni Irving ang nagbigay sa Cavs ng 101-95 abante, ngunit hindi basta nagpaiwan ang Pelicans at nakadikit sa tatlo nang maipasok ni Love ang isa sa kanyang anim na 3-pointers. Nakaiskor si Irving sa isang three-point play at naipasok ang isa pang long-range shot upang bigyan ang Cleveland ng 110-98 bentahe sa huling 2:26. Inilabas si James na sinalubong ng malakas na palakpakan ngunit ipinasok ding muli ni coach David Blatt sa closing seconds makaraang palapitin ng tres ni Ryan Anderson ang Pelicans sa 117-111 sa nalalabing 13.9 segundo.

Ito ang unang home game ng Cavs mula sa kanilang emosyonal na season opener, nang magtamo si James ng walong turnovers. Nagbalik ang Cleveland mula sa isang four-game road trip na kinakitaan ng kaunting drama nang hamunin ni James ang mga mas batang kakampi kasunod ng kanilang pagkatalo sa Portland.

Ngunit sa kanilang pagbabalik, ipinakita ng “Big 3” ng Cavs kung bakit sila ang tinaguriang title favorites.

Hawak ng Pelicans ang 78-69 kalamangan nang umiskor ng siyam na sunod si Irving, at itinabla ang laro sa kanyang 3-pointer. Naipasok ni James ang tatlong free throws sa huling minuto at tinapos ang quarter sa pamamagitan ng isang dumadagundong na dunk para ibigay sa Cavs ang 85-79 na abante makaraan ang tatlong quarters