Hinamon ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang gobyerno na pansamantalang itigil ang pagpapatupad ng multi-bilyong pisong Conditional Cash Transfer (CCT) program hanggang hindi natitiyak ng mga nagpapatupad nito na walang hokus-pokus sa pamamahagi ng pondo sa mga maralita.

Ito ay matapos madiskubre ng Commission on Audit (CoA) na irregular ang pamamahagi ng P947 milyon sa 240,321 pamilya sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

“Madaling maubos ang pondo dahil sa korupsiyon bunsod ng pagiging pabaya sa sistema ng pamamahagi nito. Mas malaki ang mawawala sa gobyerno kung hindi ito itutuwid,” pahayag ni Atienza.

Naglaan na ang gobyerno ng P45 bilyon sa pamamagitan ng foreign loan, sa pagpapatupad ng CCT program noong 2013.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pondo para sa CCT sa 2014 ay umabot sa P62.2 bilyon habang ang panukalang alokasyon sa 2015 ay nasa P78 bilyon dahil sa pagpapalawak ng saklaw nito sa limang milyon mula sa 4.3 milyon sa kasalukuyang taon.

Base sa 2013 audit examination ng Official Development Assistance, Kabilingnagpalabas ang CoA ng mga negatibong komento sa paghawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa CCT program.

Nadiskubre rin ng audit agency na ang pangalan ng mga benepisyaryo, na dapat ay nakatanggap ng kabuuang halaga na P429.50 milyon cash dole out ay hindi matagpuan sa listahan ng National Housing Targeting Office.

Sinabi rin ng CoA na P518 milyon pondo ang ipinamahagi sa Modified Cash Conditional Transfer (MCCT) program na hindi naaayon sa Special Provision No. 5 ng Current Year 2013 General Appropriation Act.

Inihayag ng state auditor na ang mga ito ang patunay na may iregularidad sa paghawak ng CCT fund na nagreresulta sa malaking pagkalugi ng gobyerno sa pagpapatupad ng programa. (Ben Rosario)