Isang buhay na sanggol ang itinapon sa isang palengke sa Quezon City, iniulat ng pulisya noong Lunes.
Ang lalaking sanggol ay natagpuan ni Cherry Amurin sa basurahan sa gilid ng Tandang Sora Market sa Visayas Avenue, Quezon City dakong 1:00 ng madaling araw.
Matapos dalhin sa Barangay Bahay Toro, Tandang Sora ay ipinagbigay-alam ito sa pulisya bago dinala sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon.