Sinisikap ni Ronjay Buenafe na hindi masayang ang mga minutong kanyang nakukuha bilang exposure sa kanyang bagong koponan na Globalport.

Sa kabila ng napakarami niyang kaposisyon sa kanilang roster, ipinakita ni Buenafe na isa pa rin siyang masasandigang “clutch player” ng kanyang team matapos ang kanyang mahalagang papel sa naitalang unang back-to-back wins sa ginaganap na PBA Philippine Cup.

Dahil may sakit ang kanilang beteranong point guard na si Alex Cabagnot at habang patuloy naman na nangangapa pa sa kanyang laro ang kapwa nito starter na si Terrence Romeo, pinunan ng 31-anyos na si Buenafe ang puwang na iniwan ng dalawa sa pagsalansan ng 11 sa kanyang kabuuang output na 19 puntos sa second half ng kanilang laban kontra sa Kia Motors para giyahan ang koponan sa 84-79 tagumpay noong nakaraang Martes.

Nakipagtulungan naman ang 6-foot-2 guard na produkto ng Emilio Aguinaldo College (EAC) sa kanilang rookies na sina Anthony Semerad at Stanley Pringle para pamunuan ang GlobalPort sa 87-72 paggapi sa Blackwater.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tumapos si Buenafe na may team-high na 17 puntos, kinabilangan ng apat na three-pointers na siyang nag-angat sa Batang Pier sa three-way tie, kasalo ang Rain or Shine at Talk ‘N Text, sa fifth hanggang seventh spot sa team standings na taglay ang 3-2 (panalo-talo) kartada.

“It’s a challenge for me kasi ‘di nga maganda ang nilalaro ni Terrence, he’s on a shooting slump, so ako, I have to step up sa team, kasi kung hindi, sino pa ang mag-step up sa amin?,” ani Buenafe na siyang nahirang bilang Accel-PBA Player of the Week mula Nobyembre 4-9 kung saan inungusan niya sina Greg Slaughter at Mac Baracael ng Ginebra at mga kakampi niyang sina Pringle at Semerad.